
MANILA, Philippines - Actor-turned-director Ricky Rivero has sat down with "The Buzz" host Boy Abunda to narrate for the first time the harrowing experience he had suffered inside his home in Quezon City on June 13 and how he survived the ordeal.
Rivero was stabbed 17 times allegedly by 22-year-old Hans Ivan Ruiz, whom he met on social networking site Facebook a few months ago. Rivero survived by driving himself to a hospital.
During the interview, the director of ABS-CBN teleserye "Mula sa Puso,” who allowed Ruiz to sleep over at his apartment on that fateful day, admitted he had a sexual relation with the suspect but there was never a commitment between them.
He also said Ruiz wanted money from him to be used for the medical expenses of the suspect’s ailing father.
He also believed that what happened was a “hate crime.”
Rivero is pursuing the murder charges against him, saying “justice has to be served.”
Below is his full interview with “The Buzz.”
Abunda: Ricky, maraming salamat sa pagkakataong ito. How are you?
Rivero: I'm recovering well. Medyo masakit pa ang mga sugat kasi mas malalim 'yong iba doon sa iba... parang na-puncture ata yong isang area ng lung ko, yong right lung, so they have to put a tube.
Ito yong medyo malalim talaga.
Abunda: Ano ba talaga ang nangyari?
Rivero: Noong Sunday pa lang ng gabi nagkaka-text-an na kami ni Hans na gusto niyang mag-sleep-over sa bahay. Sinasabi ko sa kanya na medyo busy ako but he was insistent. Sabi ko, 'Sige.' Sabi kong ganoon. 'Pero mga 11 pa siguro ako pu-puwede.'
Sabi niya, 'Sige, hihintayin kita.'
Abunda: Ito ba ang unang pagkakataon na siya ba ay nagsabi na puwede bang makitulog?
Rivero: No, no. This is the third. Nakitulog na siya noong una tapos yong pangalawa na makikitulog siya was Thursday before noong Sunday. Hindi lang natuloy yong pagtulog niya talaga, tumawag ata yong stepmother niya sa kanya at sinabing dinala ang daddy niya sa ospital so kailangan niyang umuwi.
Abunda: So Linggo na ngayon, nagte-text...
Rivero: Sabi ko sa kanya, 'Akala ko ba binabantayan mo ang daddy mo?' Sabi niya, 'Lalabas na kinabukasan.' 'O sige,' sabi kong ganoon, 'basta magtext-text na lang.'
Anyway, to cut the long story short, nag-usap kami. Sabi niya, 'Mga 10 o' clock papunta na akong Quezon City. So, magkita na lang kami sa may kanto ng Edsa at Timog.' So mga bandang bago mga-12, nasundo ko na siya. Sumakay siya ng kotse, nagusap-usap nang sandali, dumating kami sa bahay, binigyan ko siya ng pantulog at nanood kami ng TV. And then, after siguro 30-45 minutes sabi ko, 'Parehas pa tayong maaga bukas. Maga-alarm na ako ng 6:15.'
Abunda: But in your conversation simula noong sinundo mo siya sa may kanto ng Edsa at Timog, did he talk to you about needing some help? Did he mention to you na buntis ang kanyang girlfriend?
Rivero: Wala, hindi siya humingi ng pera. Pero noong Thursday night na nagpaalam siya na uuwi siya dahil sa dad niya, inabutan ko din siya.
Anway, nandoon na kami sa bahay, nanood ng TV, nakapagpalit na ng pantulog, pinatay ko na ang ilaw tapos natulog na kami ng maayos.
Nightmare
Abunda: Mga anong oras ito?
Rivero: Mga ala-una.
Abunda: And then what happened?
RIvero: And then, nagising na lang ako, nandito siya sa ibabaw ko, tapos sinasaksak na niya ako ng sinasaksak. Noong dumilat ako, nakita ko na siya na nandito sa ibabaw ko akala ko para akong binabangungot and then tuloy tuloy lang siya sa pag-ganoon, tsaka ko na-ano na this is happening.
So, sinimulan ko na siyang labanan. Sinasabi ko sa kanya, 'Bakit mo ako sinasaksak? Bakit mo ako sinasaksak?'
Abunda: Anong sabi niya?
Rivero: Hindi siya nagsasalita basta tuloy-tuloy lang siya sa pagsaksak sa akin. So, nag-struggle kami hanggang nahawakan ko siya sa wrist, binaligtad ko ang pwesto. So, ang nangyari sa amin mula noong nakaganito ako (nakahiga) umiiwas, kasi nakikita ko, wala kasi akong t-shirt noong gabing natulog ako noon, so nakita ko na ang dami ko nang dugo.
So, yong nahawakan ko siya sa wrist, nagbaligtad kami sa pwesto. 'Yong na-pin down ko na siya...
Abunda: So ito (katawan) dumudugo?
Rivero: Oo, dumudugo. [Nakita ko] wala na yong kutsilyo. Sabi ko, 'Bakit mo ako sinasaksak? Tama na, tama na.' Tapos, nakikita ko sa mukha niya parang naco-confuse na, nag-die-down yong rage niya.
Abunda: Pero there was rage?
Rivero: Habang sinasaksak...
Abunda: Nanlilisik ang mata?
Rivero: Galit, nanggigigil sa pagsaksak sa akin talaga. Sa isip ko, 'Anong nangyari, parang maayos naman tayong natulog, wala naman tayong pinag-awayan?'
So, yong time na na-pin-down ko siya, nagsubside yong rage niya, tumakbo ako ng banyo kasi puro dugo na ako gusto kong makita kung gaano karaming tama meron ako.
Abunda: Tumakbo ka sa banyo, ibig sabihin malakas ka pa rin?
Rivero: Oo, wala akong naramdaman, wala akong naramdaman noon. Pag takbo ko sa banyo, binuksan ko ang shower, tumama ang tubig sa tiyan ko, nakita ko ang dami ko nang tama sa tiyan, ang dami kong tama dito sa tagiliran, dito sa chest area. Sa isip ko, 'Kailangan ko nang pumunta ng ospital.' Pag labas ko ng banyo, kukunin ko na ang susi ko, sinalubong niya ako ng tuwalya tapos tinalian niya ako sa leeg, nahiga kami parehas sa sahig. So, nandito siya sa likod ko.
Abunda: Ano ang intensyon?
Rivero: Dito nagsalita na siya. Ang sabi niya sa akin, 'Kailangan ko ng pera. Mamamatay ang tatay ko, kailangan ko ng pera.' Sabi ko sa kanya, 'Oo, bibigyan kita ng pera pero kailangan kong pumunta ng ospital ngayon na.'
Tapos nag-struggle kami, pumiglas ako, nakuha ko ang susi ng kotse ko, yong bag ko tapos tumakbo na ako palabas ng unit ko.
Abunda: Hindi ka sumigaw?
Rivero: Sumigaw na ako noong nasa labas na ako ng unit.
Abunda: You found your key, you walked out of your place, hindi ka hinabol?
Rivero: Sumunod siya, lumalakad siya pasunod. Patakbo ako, sumisigaw na ako, nakita ko na sumusunod siya sa likod ko, nakita ko ang isang kaibigan ko. Sabi niya, 'Pare, anong nangyari?'
Sabi ko, 'Sinasaksak ako, sinasaksak ako nito.' And then eksakto palabas siya ng gate, so nakita ko parang sinusuntok na siya ng kaibigan ko. Ako dumiretso na ako sa kotse ko, nag-drive-off na ako papuntang Heart Center.
Prayer
Abunda: Kailan ka nahimasmasan?
Rivero: Noong time na nagdri-drive ako papuntang Heart Center, ang pinagdarasal ko, 'Lord, huwag lang akong mawalan ng malay tao. Makarating lang ako sa ospital nang may malay tao.' 'Yon ang pinagdarasal ako, umabot lang ako ng ER. Hindi ko alam kung gaano kalalim yong tama. 'Umabot lang ako ng ER, Lord.' Nakarating ako ng ER. I was awake hanggang makalipat ako ng St. Luke's. Hinintay ko na marinig ko ang word na stable na siya.
Stab wounds
Abunda: Ricky, anong gamit niya na kutsilyo?
Rivero: It was a steak knife, it was my steak knife.
Abunda: So, it wasn't a bread knife katulad ng sinasabi ng iba?
Rivero: No.
Abunda: So, matalim?
Rivero: Matalim, oo. Matalim talaga. Hindi lang mataba yong blade.
Abunda: Oo, pero ito yong manipis ang dulo?
Rivero: Oo, patusok din ang dulo.
Abunda: Ilan lahat ang stab wounds?
Rivero: According sa doctors, 17. (According to him, the stab wounds were in his chest area, right side, upper part of his right leg, arms)
Abunda: What he's trying to say here is hindi niya alam kung ano ang kanyang ginawa.
Rivero: (Laughs) Pu-Puwede ba yon? Siyempre, may malay tao siya. Nagstra-struggle kami, ang tagal namin na sinasabihan ko siya na tama na, bakit mo ako sinasaksak, tama na, bakit mo ako sinasaksak.
Abunda: Galit na galit, you saw the rage?
Rivero: Gigil na gigil. Siya talaga, ayaw niyang tigilan ang pagsasaksak sa akin.
Denials
Abunda: Sinasabi niya hindi niya alam ang kanyang ginagawa, malaking kasinungalingan, oo o hindi?
Rivero: Siya lang ang makakasagot niyan pero hindi ako naniniwala diyan.
Abunda: 'Yong nagkita kayo, hindi ba siya mukhang naka-drugs, lasing, nakainom?
Rivero: Hindi siya nakainom, that I'm sure of. Hindi siya nakainom. Yong drugs, hindi ko masabi, maayos naman siyang kausap. He was, hindi naman siya madaldal talaga, tahimik siyang tao.
Abunda: Pero walang indication na naka-drugs ito?
Rivero: Wala.
Abunda: Noong nag-uusap kayo mula sa Timog pauwi, walang indication na may problema?
Rivero: Maayos nga kami.
Abunda: Walang indication?
Rivero: Wala kaming pinag-aawayan.
On Ruiz's claim that he tried to help Rivero, Rivero said: No, of course not, kung gusto niya akong tulungan bakit niya ako tinalian sa leeg, nanghihingi siya ng pera sa akin. Dapat nilagay niya sa tyan ko [ang tuwalya]...
Abunda: Para tumigil ang dugo...
Rivero: Correct. Wala siyang intensyon na tulungan ako.
Sexual relations
Abunda: Ricky, ang tanong ng marami, sino ba siya? Sino ba siya sa buhay mo? Si Hans Ivan Ruiz ba ay boyfriend mo?
Rivero: Si Hans Ruiz, nakipagkilala siya sa akin sa Facebook a few months ago. To make things clear, hindi ko siya boyfriend. Alam ko na may girlfriend siya. Wala kaming relasyon, magkaibigan lang kami ni Hans.
Abunda: All in all, bilang magkaibigan, ilang beses kayong nagkita ni Hans?
Rivero: 4
Abunda: Bakit mo siya pinatulog sa bahay? Did you have enough trust?
Rivero: Kasi ilang beses na din kaming nakalabas, nakatulog na din naman siya, it wasn't his first time na makatulog sa bahay. Okay naman.
Abunda: Ricky, you may or may not answer this question, did you have a sexual relationship with Hans?
Rivero: Oo, may nangyari sa amin. Of course, hindi naman ako magsisinungaling. Of course, something happened already in the past.
Abunda: Pero walang commitment, walang usapan na tayo?
Rivero. Maliwanag ang usapan na hindi tayo.
Abunda: Ako, parati kong sinasabi, choice nang kahit sino, ikaw choice ko, choice mo ang magpa-tuloy sa ating tahanan, pero yong choice na yan na walang karapatan ang kahit sino na manakit, pumaslang..
Rivero: Yes, of course. Siyempre, pinagkakatiwalaan mo nga iyong tao tapos ganoon ang gagawin sa’yo, hindi naman ata tama yon.
Abunda: Has he tried to get in touch with you?
Rivero: Wala.
Abunda: Anybody from the family?
Rivero: Wala pang kumakausap sa akin.
Positive identification
Abunda: How was that meeting?
Rivero: Medyo ninenerbyos din ako. Sinabihan ko din ang pulis at people who were with me that time na huwag siyang papasukin sa room.
Abunda: Bakit?
Rivero: Natakot ako. Hindi pa ako nakaka-recover.
Abunda: Take me back to that moment when you saw him.
Rivero: Yon, noong sinabi ng pulis na kailangan mong i-identify tapos bumukas yong pintuan, may lumakad na tatlong lalaki, naka-civilian, tapos tinanong ako ng pulis kung sino sa kanila. Tinuro ko siya. Tapos tinitingnan lang niya ako, tinitingnan ko din siya. Pagkaturo ko dinescribe ko kung ano ang suot niya. Yong naturo ko na, um-okay na ang pulis, I looked away already. Di na ako tumingin. Umiwas na ako ng tingin.
Abunda: Are you going to file charges?
Rivero: Yes... nag-aantay na lang ng subpoena kung kailan ang arraignment.
Lessons learned
Abunda: Paano ka nabago nito?
Rivero: Siyempre, nagpapasalamat ako sa mga nakakasalubong ko na kinakumusta ko na 'we prayed for you.' Naano ako sa laki ng maraming mga tao na nagdasal sa akin.
Abunda: Did you expect the kind of love?
Rivero: It was so overwhelming.
Abunda: Can you forgive him?
Rivero: Pinagdarasal ko yan araw-araw. Sa puso ko, siguro masasabi ko na in a way napatawad ko na siya sa ginawa niya sa akin. Pero he has to suffer the consequences of what he did.
Abunda: He's watching, ano ang nais mong sabihin?
Rivero: I have nothing to say.
Abunda: What is your advice sa akin, sa lahat ng nanunuod, sa mga bakla na nagmamasid sa pag-uusap na ito?
Rivero: Yon lang siguro, be careful, pag may times na medyo may pagdududa ka sa isip mo make sure na you inform your friends kung sino ang kasama mo at what point in time.
Abunda: Medyo technical ang tanong na ito, do you think this is a hate crime?
Rivero: Truthfully, Tito Boy, Hindi ko masasabing oo, hindi ko masasabing hindi. Pero doon sa circumstances na nangyari, itong lahat ng nangyaring ito, parang leaning towards na yes it's a hate crime. Pero in my heart, hindi ko maisip na may taong puwedeng magalit ng ganoon ka-grabe sa akin, or any gay person, na wala akong
ginagawa.
Abunda: Huling katanungan, gusto mo bang makulong si Hans?
Rivero: Kailangan. Justice has to be served.
SOURCE: ABS-CBNNEWS.COM
No comments:
Post a Comment