
Buong pagmamalaking inihahandog ng ABS-CBN ang pagbabalik ng Queen of all Media na si Kris Aquino sa telebisyon sa pinaka-bagong daily, open format talk show na “Kris TV.” Simula Lunes (June 27), itatampok ang iba’t ibang paksa mula sa mga uso, praktikal na tips pagdating sa bahay, kwentuhan kasama ang pinaka-sikat na celebrities, musika, pamilya at relasyon.
Bibigyang solusyon din ng “Kris TV” ang lahat ng pangangailangan ng manonood mula sa beauty at fashion tips, pagluluto, negosyo, relasyon at pag-ibig, pamilya at magulang concerns, mga homemaking, fitness at health tips. Lahat ng ito ay mapapanood, sa paraang tanging si Kris Aquino lamang ang makakagawa – prangka, masiyahin, tapat at may kabuluhan.
Bilang buwena mano, makaka-bonding ni Kris Aquino sa kanyang unang episode si Senator Chiz Escudero. Malalantad sa guesting na ito ni Chiz ang ibang aspeto ng kanyang pagkatao at pagkalalaki na lingid sa kaalaman ng marami. Ibabahagi niya ang kanyang kakaibang hilig sa household chores at iba't-ibang handyman activities. Ikagugulat din ng marami ang kahusayan niya sa pagluluto, kasabay ng pagtuturo niya ng kanyang special adobo rice recipe. Ipaparanas at ipapakita niya rin kay Kris kung paano ang tamang pagtatanim ng mga fruit-bearing trees.
Bilang host, ilalabas ni Kris Aquino ang "bida" sa bawat tao, mapa-artista man o ordinaryong tao sa "Kris TV." Ipapakita niya sa lahat na meron tayong kani-kaniyang kakayahang maging matagumpay o masaya sa buhay. Sabi nga ng Queen of all Media, “Magsasama na naman tayo para sa isang bagong araw, bagong kwentuhan, bagong karanasan. Ang bida sa programang ito ay ikaw.”
Samahan si Kris Aquino sa “Kris TV” simula ngayong June 27, Lunes hanggang Biyernes, 9:30am bago mag-Showtime.
SOURCE: KNN.blogspot.com
No comments:
Post a Comment