
6/23/2011 8:22 AM
by: Napoleon Quintos
Buong ipinagmamalaki ni Direk Lauren Dyogi na naipagkaloob na sa ABS-CBN ang rights para gumawa ng Filipino version ng Junior MasterChef, isang sikat na reality show mula ibang bansa kung saan nagtatagisan ang mga batang ng galing sa pagluluto. Sa general assembly ng Top 60 contestants ng Junior MasterChef: Pinoy Edition, nakapanayam ng Push.com.ph si Direk Lauren at sinabi niya kung bakit ito ang napili niyang reality show na sumunod na gawin ng Kapamilya network.
“May mga bagay na kapag pinapanood mo uma appeal sa iyo, nararamdaman mo, tumatagos sa puso mo. When I saw Junior MasterChef I figured it would be good if ABS-CBN will do a Pinoy version. I felt it’s time to show the Filipinos that aside from singing, dancing, and acting, may isa pang talento ang mga batang Pinoy na hindi pa naipapakita sa TV and that is cooking.”
Kampante rin si Direk Lauren na ang mga contestants ng Pinoy JMC ay magiging mas magaling kaysa sa mga napanood sa foreign versions. “I want to prove na mas maraming batang Pinoy na kasing galing o mas magaling pang magluto kaysa sa mga banyaga. Kahit saang larangan hindi naman nagpapahuli ang Pinoy. I have so much faith and pride sa ating pagiging Pinoy. I’m certain that these kids have a bright future ahead and that sa kanila manggagaling ang susunod na tanyag na Pinoy chef. Bata pa sila, mga eight to twelve years old, pero ngayon pa lang magagabayan na sila ng magagaling na chef. For sure paglaki nila magiging mas magaling pa sila.”
Ikinuwento rin ng Business Unit Head ng ilang Kapamilya reality shows tulad ng Pinoy Big Brother at The Biggest Loser: Pinoy Edition ang pinagdaanang proseso sa paghahanap ng mga batang Pinoy na magaling magluto. “Lumibot kami sa buong Pilipinas. Bumisita kami sa iba’t ibang paaralan. May mga tumawag sa amin, ‘yung iba nag audition online. May mga nakapanood na ng JMC Australia at gustong maging bahagi ng Pinoy version. Mahaba at mahirap na proseso ang pinagdaanan para makahanap kami ng mga batang magagaling magluto.”
Naging masaya si Direk Lauren dahil kakaanunsyo pa lang nila ng schedule ng audition ay napakarami nang batang pumila at nagnais mapasali sa nasabing reality show. “Usually kapag bago ‘yung concept ng show sa unang audition konti lang ang interesado. Pero ngayon unang pa audition pa lang namin ang dami nang mga bata ang pumunta. We’re very happy and excited about our JMC Pinoy edition. Originally we planned na 50 contestants lang pero dahil madami ang magagaling kaya ginawa naming 60 na lang. Then there will be two elimination rounds para makapili kami ng Top 20.”
Sa pag-ere ng JMC, nais ni Direk Lauren na maraming manonood ang humanga sa galing ng mga batang contestants, at sila’y maging inspirasyon sa karamihan. “Gusto naming makita ang mga manonood na humanga sa galing ng mga batang ito sa pagluluto. Humanga rin tayo sa kanya kanya nilang personalidad, sa kanya kanya nilang dahilan kung bakit gusto nilang manalo. This will be an educational and inspiring program.”
SOURCE: PUSH.COM.PH
No comments:
Post a Comment