A dog is a man’s best friend. Pero paano kung nagkabaliktad ang sitwasyon?
Ngayong Sabado, pagbibidahan nina Basty Alcanses, Carlos Agassi at Daisy Reyes ang isa na namang mahiwagang episode ng “Wansapanataym.”
Si Billy ay isang batang walang kaibigan dahil sarili lang niya ang kanyang iniisip. Bibigyan siya ng kanyang ama ng isang asong nagngangalang Pluto para kahit papaano ay maturuan siyang maging responsable at maging pala-kaibigan. Yun nga lang, matigas ang ulo ni Billy. Pagmamalupitan nito ang asong si Pluto. Ngunit dahil sa mahiwagang bracelet at collar, isang malaking pagkakapalit ang magaganap. Magiging aso si Billy at magiging tao naman si Pluto. Paano kaya matututunan ni Billy ang kahalagahan ng pagkakaibigan ngayong aso ang kanyang anyo?
Samantala, hindi pa rin matinag ang “Wansapanataym” pagdating sa ratings. Ayon sa Kantar Media, kasali ang “Wansapantaym” sa top 12 regular programs sa buwan ng Mayo dahil sa nakuha nitong average national rating na 23%.
Mapapanood ang “Wansapantaym” tuwing Sabado sa ABS-CBN pagkatapos ng “TV Patrol Weekend.” Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang abscbndotcom sa Twitter.
SOURCE: KNN.blogspot.com
No comments:
Post a Comment